Poem #2: Nagsimula sa Unang Pagkikita

0-02-06-7bc9f3bb0eb09368588628bc46625c2ee14f25ca5c5d74f6b0e688596c0fdedc_fullJanuary 1, 2016 nung una tayong nagkita,

sa SM Megamall kasi gusto natin manuod ng pelikula.

Walang forever, sina jennilyn at jericho ang bida

Pareho tayong naka hoodie, grey sa akin dilaw sayo diba?.

 

Pagkatapos manuod tumambay pa tayo sa may emerald sa ortigas

Para tayong mga sasakyan na puno ng gas

Sige lang sa usap, at sa mga banat na walang kupas.

 

2:33 ng umaga nag selfie tayo at naglakad pa edsa shangrila,

Sabi ko “wow gusto pa nya ako makasama”

Sa may labas umupo tayo nang pagkasaya saya

Hinawakan mo ang kamay ko at agad ako nag pasya na bukas gusto kita makita.

 

Pasikat na ang araw at amoy dove shampoo pa rin ang buhok mo

ngumiti ka sa akin at agad akong nabighani mo

Pinara mo ko ng taxi at bago pa man ako sumakay ako’y hinalikan mo.

 

Unang halik sa unang tayo lng ang nagkita

Unang kilig na hindi matago ng mga mata

Unang pelikula na nakasama ka dahil sa

Unang pagkakataon ng unang pagkikita